5 REASONS WHY I DECIDED TO OWN A CREDIT CARD
11:06 PM
Excited talaga ako i-update itong blog kaya second post agad on the same day. Very inspired ako to finally start a blog na focused sa isang niche hindi kagaya ng isa kong blog na halo-halo na. I also decided na gawing Taglish (Tagalog nd English) yung language para parang casual lang, parang nagkukuwentuhan lang tayo.
Nagdecide ako na isulat ito ngayon kasi kakabayad ko lang ng credit card bill which will be due on October 28. Hindi ako nagbayad last week kasi nga puro holiday so sayang din yung time na nakafloat lang yung pera somewhere. So I decided na magbayad today para pasok agad next week. Ang laki ng binayaran ko in fairness pero nag full payment pa din ako para wala na akong iisiping interest. Malaki din kasi ang finance charge at interest kapag nag-iwan ng outstanding balance. Ang sarap sa feeling na alam mo na wala kang utang kahit kanino.
Nagkaproblema na din ako dati sa credit card ko. Yun din yung credit card na hindi ko inapplyan, nagpadala lang ang bangko sa akin kahit wala din akong savings account sa kanila. Nung pinaputol ko na, hindi nila pinutol kaya ayun nagkaroon ng interest yung annual fee. Ngeek! So never ko sya binayaran. Hindi pa naman sila nalugi hanggang ngayon so meaning immaterial yung payable ko sa kanila. Salamat! Hahaha! So noong nagkaroon ulit ako ng credit card, nagdecide ako na never na ako mag-ooverspend at gagamitin ko lang sya kapag kailangan talaga at babayaran ng full ang balance monthly.
Nakatulong naman na lagi ako nagbabayad monthly ng full kasi ang bilis lang nung nagrequest ako na i-waive ang annual fee. Tinanong lang ako ng usual verification questions and then ayun na irereverse na daw nila yung charge. Ang saya! Hindi ko na kinailangang magmakaawa or magdrama. So if you want to have your annual fee waived agad-agad, make sure you pay your utang on time.
Pero bakit nga ba ako nagdecide na magkaroon ng credit card ulit after ng horror story dun sa isang bangko? Eto magsishare ako ng mga justifications kung bakit:
01 BUY NOW, PAY LATER
Kapag meron kang credit card, pwede kang bumili ngayon tapos saka mo na babayaran - on or before magdue so meaning pwede ka pa mag-ipon. But of course kung bet mo ang cash payment, mas better pa din. Minsan mapapadaan ka sa isang store tapos andun yung gustung-gusto mong bilhin na bag or shoes or kitchen appliance - then isang swipe lang and maiuuwi mo na yung material stuff na yun tapos ipon na lang. I'm sure uuwi kang masaya. Okay din itong reason na ito sa pagbabayad ng tuition fees sa school. For sure makakapag-exam yung anak mo kasi bayad na yung buong term. Make sure though na kapag nagswipe ka ng card, take advantage nung 0% interest lagi para super sulit ang purchase mo.
02 CONVENIENCE
Kagaya ng sinabi ko sa first justification ko, kapag may gusto kang bilhin tapos wala kang cash, isang swipe lang eh maiuuwi mo na yung bagay na gusto mong bilhin. Hindi mo din kailangang magdala ng madaming cash kapag may pupuntahan ka. Mas prone ka sa hold-up or budol-budol gang kapag madami kang cash na dala. Correct? Mas madali ang buhay kapag may credit card lalo na if marunong kang dumisiplina sa sarili mo. Kung hindi mo feel magshopping sa mall, you can buy online and your credit card will be accepted. Panalo di ba? Very convenient din to use it when travelling abroad (just make sure to call your bank before your trip and tell them what countries you are going to para authorized yung purchases mo.)
03 LOYALTY REWARDS
Sa ngayon, nakaipon na ako ng almost 50,000 loyalty points sa ginagamit kong gold credit card. Pwede na akong magclaim ng rewards pero iniipon ko yun para mas malaki yung item na mareredeem ko. Ilang beses na din kami nagstay sa isang mamahaling hotel sa Makati na discounted ng 50%. Minsan ayaw ko na magbayad ng cash kasi nga naman sayang ang points. Hahaha! Yung ibang credit card offers cashback pa on your purchases. For the past few months, lagi kaming may libreng food sa Jollibee kasi we get free stuff for every purchase amounting to at least 3000 pesos. Minsan pa if ginamit mo ang credit card mo to buy airfare, automatic may travel insurance ka na. Call your bank to ask for loyalty rewards na available for your credit card.
04 PROTECTION AGAINST FRAUD
Credit card purchases are generally safe and you can always complain to your bank kapag may napansin lang kaduda-duda sa credit card bill mo. Hindi pa naman ako nabibiktima ng fraud and dana never mangyari.
05 BUDGETING
Nakakatulong yung credit card billing statement when budgeting kasi you get to keep track of your expenses. Maganda din kapag meron kang online access para mas convenient lalo.
Hindi ko alam kung may iba pa akong reason why I decided to have a credit card again. Almost 2 years na yung plastic money ko sa akin and so far hindi pa ako nadedelay sa pagbabayad so I guess nag-improve na ako and very responsible na ako pagdating sa paggastos.
Di ba maganda naman magkaroon ng credit card? Kailangan nga lang maging responsable sa paghandle ng spending at of course paying. Ang pinakamagandang tip na maibibigay ko is wag mong bilhin ang isang product na hindi mo kayang bayaran sa loob ng isang buwan or less kasi mababaon ka sa utang talaga.
0 comments